Post by Rebecca Andrews on Mar 11, 2009 2:11:56 GMT -5
One of these days, maybe I will snap. Alam ko yung naging attitude ko during that spell in time na nainis ako sa isang tao. At sa sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko na kinaya. Kinailangan ko nang kausapin yung tao para malinawan ako.
At ngayon, hindi ko na alam yung gagawin ko. Alam mo yung pakiramdam na hindi ka naman gustong madamay, pero wala kang magagawa kasi bakit? IKAW yung nasa gitna. Ikaw yung nakakaalam [halos] ng lahat ng mga nangyayari on either sides. Kaya anong gagawin mo? Umintindi. Try to rationalize things. Try to reason for both of them. Pero nakakainis na rin kasi!
Ayoko na yung pakiramdam na hati yung happiness ko. Pano, pag nandun ako sa isang side, may kulang. Pag nandun ako sa kabila, may kulang pa rin! Alam mo yun? Selfish na kung selfish, pero ganoon na lang talaga yung pakiramdam ko.
Anong klase akong kaibigan? Ni hindi ko magawang sabihin yung mga dapat kong sabihin. Bakit? Kasi natatakot akong makasakit. Ayoko nang ganoon. Kaya anong gagawin ko? Magpayo at magsabi na gawin mo 'to. Gawin mo yan. Pero alam ko na malabong mangyari yun.
Bakit kasi! Alam kong iba-iba yung approach ng mga tao sa problema, pero sana naman! Tapos ang malabo pa dito, parang wala talagang nagkakaintindihan! Ni hindi ko na alam yung talagang problema, eh! Sobrang nawala na ako sa lahat ng mga argumento na narinig ko, nagsusumigaw na yung utak ko ng 'TAMA NA, PWEDE?!'.
Tapos pag tinanong ako kung ano ba talagang nangyayri, hindi ako makasagot. Bakit? Kasi wala ako sa posisyon na magsalita. Kahit na gusto mong ipagtanggol yung bawat sides, wala kang magawa. Bakit? Kasi sila dapat yung magtanungan in the first place! Sila dapat yung mag-usap!
Time. Time. Oras. Oras. Kung hindi pa kayang makipag-usap, sige pagbigyan. Walang magandang mangyayari kung pilit mong kakausapin ang isa sa mga sides. Bakit? Kasi wala kang matinong sagot na makukuha.
Noong nagalit ako sa isang tao dahil lang sa misinterpretation ko ng nasabi nya, nakaramdam ako ng kahihiyan. Paano, masyado kong binigyan ng ibang meaning yung sinabi nya. Ni hindi ko na muna kinausap yung tao. Anong nangyari? Ako rin yung nahirapan sa huli. At ang end product? Kinausap ko rin s'ya.
It was a stupid thing to do, yung bigla ka na lang mawala dahil lang sa rason na ayaw mo munang makita yung tao na kinainisan mo. At ang resulta, hindi lang s'ya yung hindi mo nakikita. May iba pang nadadamay. Tapos hindi mo pa maiwasang isipin kung anong iniisip nung mga taong hindi mo nakikita. Posibleng kung anu-anong pumasok sa mga isip nila. Pero hindi mo sila masisisi. Paano, bigla ka nga kasing nawala ng walang pasintabi man lang.
Kaya nahihirapan ako ngayong mag-isp. Kasi alam ko yung pakiramdam ng hindi pagpunta, hindi pagpapakita kasi naiinis ka sa isang tao. Alam ko yon! Kaya nga ang reasoning ko, wala na rin sa katinuan!
Tapos alam ko rin yung pakiramdam na ayaw ko munang marinig yung pangalan nung taong kinaiinisan ko. Alam ko yon, kaya lalo lang akong nababaliw sa pag-iisip.
Aaaarrrggg!!! Yang swimming na yan, ayoko munang pag-usapan. Bakit? Kasi wala yung isa. Pag naman naopen dun sa isa, hindi ko alam yung iisipin ko kasi ina-anticipate ko yung magiging reaction nya. Pasensya na sa matatamaan, pero ang pangit naman na maghohold ng swimming tapos ganito yung sitwasyon?
Bakit nga ba ako naiinis ulit? Pano, pag nandun ako sa isa, restricted yung usapan. Hindi lahat maikukuwento mo. Oo, nandun na yung napag-uusapan nyo ang ilang bagay-bagay, pero kailangan mong mag-ingat sa pananalita mo. Ayoko na, kasi pakiramdam ko ang plastik ko na.
Kung pwede nga lang umiyak sa Insight, ginawa ko na! Hindi ko na kaya yung nakikita ko na sitwasyon. Ako yung nagsabi na pabayaan na lang, but no! Unti-unti ko na palang di kinakaya.
Nagpapalpitate na yung puso ko. Asar! Hindi ako galit dun sa mga tao. Dun sa sitwasyon! Gusto ko nang mang-away, pero syempre, hindi pwede yun, di ba? Kung pwede lang manigaw, manuntok, magmura...putek, ginawa ko na!
Syete, wala akong gustong iwanan o bitawan, kaya yung mag-iisip na nagsasawa na ako sa mga tao sa paligid ko, inuunahan ko na kayo. Kung meron man akong gustong matigil, yun ay yung bastos na problemang ayaw mawala. Yang lintik na problema na hindi ko na alam kung ano!
Mas maaappreciate ko sana yung mga tawanan kung walang hanging na issue, eh. But no! Naabot ko na yata yung limit ng pasensya ko! AYAW KO NA!
Ikaw, kaibigan kita. Dapat alam ko kung kailan kita kakausapin pag napansin ko nang hindi na maganda nangyayari. Pero anong ginagawa ko?
Ikaw, kaibigan kita. Dapat alam ko kung ano yung dapat kong sabihin sa'yo, pero anong ginagawa ko?
Sinabihan na ako na hayaan na lang yung issue. Nagsabi rin ako ng ganito. Pero putek, sana hinahati ko na lang yung katawan ko! Bakit? Para hindi ko na malaman yung mga nangyayari dun sa parehong sides! Gagawin kong parehong autonomous yung pagkakahati ko para wala na talagang pakialaman sa isa't isa! PUTEK!
ASAR NA TALAGA AKO.