|
Post by Jed Fernandez on Nov 11, 2008 2:43:06 GMT -5
Eto ang hindi ko maintindihan. Bakit ang hirap na mag-try na sumubok intindihin ang isang bagay? I mean, lahat naman po tayo nag-su-surf ng net...bakit puro yata mga reklamo lang ang naririnig ko na hindi maintindihan, hindi ala ang gagawin, hindi alam kung san pupunta...wow.
Nakakatawa siya isipin, considering na parang normal na site lang naman ito, at considering na may mga instructions naman. KUNG MAY HINDI NAKAKAINTINDI NG ENGLISH AT TAGALOG, PAKI-INFORM AKO. Kasi, as far as I know, lahat tayo eh skilled umintindi ng mga language na ginagamit dito.
Nagttry ba kayo mag-explore man lang, or magbasa basa ng mga instructions? Sinesendan ko pa kayo ng mga private message kung anong gagawin at kung saan hahanapin. AT MAY DEDICATED PART DIN TAYO DITO NA PARA SA MGA PROBLEMS. Suggestion lang po ha, i-pinpoint ang problema. Hindi yung puro na lang hindi niyo maintindihan at hindi alam ang gagawin. Hindi po kasi yun nakakatulong.
And, I think hindi po talaga magwowork ang site na 'to kung hindi tayo magtutulungan. You are asking kung may say kayo sa mga laman nito, yet sasabihin niyo sa'kin na hindi ko naman kayo maaasahan na magparticipate sa mga polls. How am I going to understand that. Eh kung maglolokohan lang tayo 'dito, eh...
I'm sorry kung ganito yung post ko. Medyo hindi lang kasi nakakatuwa. Thanks.
|
|